Mahina ako sa petsa at hindi ako ang tipo ng taong babalikan ang kalendaryo mabigay lamang ang tamang datos sa isang factual na sulatin.
Ang alam ko hinagupit ng bagyong Ondoy ang Pilipinas partikular na ang kalakhang
Hindi ako natulog ng gabing yon. Ang alam ko lang buhay ang pusong binuo at pinatibay ng bwat sagipa t lingcod kapamilyang nasamahan ko.
Bagamat wala na ako sa kapmilya network, alam ko sa puso ko na mahalagang isabuhay at ipagpatuloy ang isang mahalagang aral na aking natutunan sa bawat boksayong pinagmulan.
Sa unang gabi ng pagbulusok ng bagyong Ondoy hindi ako napikit dahil alam kong magbibigay ng update ang network na dating kinabilangan ko. Nanlumo ako sa mga eksenang tumambad sa akin. Wala ako doon pero ramdam ko ang pbawat hagupit at epektong dulot ng bagyong Ondoy…Dahil hindi lang miminsang naransan ko ang ganitong trahedya…
Una ay noong nakaraang taon kung saan binubuo naming ang pagtayo ng WOWOWEE sa Lingayen,Pangasinan kung saan handa na ang lahat ngunit kinabukasan ay dumating ang bagyong **. Naiwan kami nina Ma’am Janice, Kuya Zilmer (driver), Caloy (OJT/PA) at ilan pang mga kung tawagin naming ay parusa boys sa
Pangalwa ang bagyong Cosme kung saan ang bahaging Bolinao,Bani at Alaminos naman ang binayo. Kami ni Ma’am Terry (Public Service Officer ng ABS-CBN) ang kauna unahang nagdala ng supplemental feeding sa mga lugar nay un..kasama lamang ang aming driver. Nakapanlulumo ang bawat eksenang tumambad sa amin…walang bahay ang nakaligtas…mga buhay na nawala..
At sa iba’t-ibang proyektong pagtulong ng GUK pa ang nasamahan ko. Hindi ito parte ng responsibilidad ko bilang Marketing and Events Assistant pero alam kong ito ang ikabubuo ng pagkatao ko bilang staff ng isang higanteng kumpanya na may kakayahang maglingkod sa mahihirap.
At dahil sa mga karanasang ito hindi nawala ang mga iniwang turo ng Public Service team sa akin. Alam kong tungkulin ko pa rin ang tumulong kahit wala na ako sa posisyon kung saan mas marami akong magagawa. Nagtext brigade ako sa mga kaibigan at batchmates at hindi nila ako binigo. Nag ambag-ambag kami para makakalap ng kahit konting tulong…
Napakaliit ng kakayahan ko ngayong mag organize ng ganitong tulong pero alam kong makakapwi na rin ito sa mga hirap ng ating mga kababayan…
At ang pusong ito nabuo sa mga karanasang pinabatid ng mga aral na natutunan ko sa sagip at lingkod kapamilya events…
No comments:
Post a Comment