(di po ito English..nanghiram lang po ako ng titulo)
Noong estudyante pa ako mas pinipili kong umupo sa likuran, ung lugar kung saan hindi pansin ng guro. Di naman ako bobo dahil nasa listahan pa rin ako ng mga nangunguna sa klase,un nga lang madalas mas gusto kong makipag usap sa mga katabi. Ni minsan hindi ako nachallenge sa mga usaping maaari ko namang mahanap sa bawat dahon ng aklat. Mga bagay na maaari kong alamin mag isa dahil matatagpuan naman sa bawat pahina ng libro.
Masasabi kong hindi naman ako naligaw sa mga aralin. Sapagkat pag estudyante ka at madami kang katanungan tungkol sa inyong leksiyon at alam mong hindi na kayang arukin ng guro mo ang punto mo, maaari ka na lang mag self study at para dina mabulabog ang isip ng edad deka dekada nang maestra.
Pag abot ko ng kolehiyo, medyo nabulabog ang noo’y akala kong sapat ng nilalaman ng aking utak. Intimidated ako ng bahagya dahil may mga lessons na huli ang mga estudyanteng galing sa pampublikong paaralan. Pero di naman nagtagal ay nakaadjust din ako. Pero ganun pa rin ang sistema ng utak ko. Ipon ng grades sa prelims at midterms na kahit maka 70 ka sa finals ay alam mong pasado ka na pag sinuma total. Yun ang nagging teknik ko para mas may oras sa paglasap sa tunay na kahulugan ng buhay kolehiyo.
Nagtapos naman ako sa oras. Nakapagtrabaho agad. Una bilang guro ng wikang English sa mga akademya. Di naman ako nahuli sapagkat mataas naman ang mga resulta ng TOEIC exams ko. Ibig sabihin magaling naman ako ng bahagya sa ingles. Sa dami ng nakakalat ng libro sa bahay namin (na katas ng dugo’t pawis ko) na hindi naman props lang para magmukhang intelektwal. Grade six pa lang ako ay nabasa ko na ang mga libro ni Sidney Sheldon. Kaya confident naman akong ang salitang “integridad” ay hindi ko na kelangan ikonsulta kay Ginoong Webster.
Nais kong iligaw ang kabuuan ng aking kwento dahil may mga matang sensitibong maaaring magkomento pag tinamaan.
Gumising ako isang araw hawak ang isang bagay kung saan nakasulat ang mga “values” na pinaniniwalaan ng napasukan kong kumpanya at mahal ko naman talaga.Naging paksa pa nga ito ng makailang ulit sa ilang pagpupulong. Isa isang tinatanong ang bawat tao sa komperensya sa ibig sabihin ng mga salitang nakasulat doon. Napakadali naming ipaliwanag ang bawat isa.
Madaling ipaliwanag. Verbal.
Mahirap Makita.
Ang salitang integridad ang tanging sumubok sa noo’y nagtatalo kong isip sa kahulugan nito sa bawat diksyunarong aking nakonsulta. Ayon sa “the little OXFORD” dictionary na aking nabili sa Hongkong Airport, ang kahulugan ng salitang “integrity” ay HONESTY,WHOLENESS at SOUNDNESS…in short, need I expound?
Hindi ba’t sa simpleng transliteration nito ay “katapatan” hindi lamang sa nakatataas kundi maging sa mga pilit nagtitiwalang mga empleyado sa kakayahan ng isang lider? Ngunit paanong ang isang nagsisimulang tignan ang mundo sa isang mas malinis na mikroskopyo ay puro bahid ang nakikita?
Ayon sa isa sa anim na librong binabasa ko ngayon, ang mga taong magaling at mahilig magsinungaling ay maaaring mabaliw..ng literal. At kung bakit may mga taong handang talikuran ang katotohanan para sa sariling kapakanan yan ay hindi kayang arukin ng simple kong pag iisip na namulat sa simpleng paniniwalang ang katotohanan ang magpapalaya sa bawat nakakulong na kasinungalingan.
At ang ngumiting parang aso at kumampi sa mali ay isang malaking kahunghangan. Marahil ito ang dahilan bakit marami ang kalat sa lipunan.
Kaakibat ng pagsasabi ng totoo ay ang paninindigan sa mga pangakong binitiwan. At ang sinumang hindi marunong manindigan sa mga “matatapang” na salitang lumabas sa isang makapangyarihang bibig ay walang pinagkaiba sa sinungaling. Isang epidemya na maaaring magpalala ng isang dati ng sakit.
Malamang isa ito sa mga kadahilanan bakit may mga taong kailangan ang “sleeping pills” upang makatulog. Ganito din ako, mahirap makatulog pag may nagawang labag sa aking paniniwala at pananampalataya. Ngunit sa tanang buhay ko, wala pa akong inapakang tao para lamang manatili sa isang parte ng mataas na lipunan.
Ano ang silbi ng pagsisimba? Ang pagbisita sa bawat simbahang madadaanan kung alam mong sa kaibuturan ng iyong puso ay nilalabag mo ang maraming kautusan ng Diyos tungkol sa iyong kapwa? Isang bulag na pananampalataya.
At sa susunod na tatanungin ako kung ano ang kahulugan ng salitang “integridad” ay ito lamang ang aking masasabi “integrity is when people don’t look at you as if u have nothing good in u except your clothes”
this blog contains the random thoughts of a person who values freedom of the mind and freedom of speech at the fullest...at their rightest context... blogger doesn't edit her pieces
20.6.11
Lost in Translation
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment