14.8.09

Tambayan ng Kaisipan sa panahon ng Kasalan (kunot noo ni Paulo Coehlo)

Busy busyhan nanaman ang numinipis at kumikitid kong utak sa kaiisip sa mga bagay bagay na maaaring sumira dito.

Ngunit mabait pa rin ang Diyos dahil hindi lahat ng sobrang talino ay nababaliw (dahil di naman sobra ang aking talino kaya exempted ako).

Madalas sa aking paglalakad, sa gitna ng mga oras ng aking pag iisa ay naaagaw ng mga busina ng jip at ng mga palahaw na mga taong tulad ko ring naninindigang busy ang aking solitary moments.

Noong nakaraang araw, naexcite ako sa isang nalalapit na kasal. Nagprepare ang joy. Namili ng isang kulay burgundy na tube na mini (imagine niyo na lang). Mayabang ako dahil “free size” ito at nagkasya! Maliban kasi sa bagong rebond ako (at mejo humaba ang hair) e nangayayat na ang lola (ehem). Kaya ko nga napatunayan na there’s GOOD in goodbyes. Gusto kong mag elaborate nga lang mejo nangako ako sa isang ka PU na ako’y hindi magbabanggit ng anuman na may koneksyon sa aking nakaraan…(ehem)

Going back sa kasalan.

Kalakas ng ulan noong July 7,2009 (noong nakaraan lang pala) pero excited ang lola niyo go pa rin despite the heavy rains and strong winds (naks!). Pinaghandaan ko kaya…

Nang makarating ako sa Golden Pine Hotel dun na lang nag sink in na ang nakalagay sa aking invitation ang isang maliwanag na “WE HAVE RESERVED 1 SEAT/S FOR YOU.” Bago ko pa man natanggap ang imbitasyon ay naisip ko na ang date ko at nanamlay ako nang malaman kong I’ll be by myself. Pero go pa rin. Umupo ako sa parteng napakalapit sa pintuan (in case kelangan ko na talagang umuwi). Pero nilapitan ako ni Bryan ang anak ng aming Senior Pastor at classmate ko sa ETHICS nung college. Mejo natuwa ako nang nakipagkwentuhan siya. At natuwa ako lalo nung inivite nia akong tumabi sa kanila. Go naman ang lola…only to find out na host ang Bryan (sniff..). pero poise pa rin…

Christian wedding. Officiated by our Reverend. It was simple. Pero wag ka, naiyak ako (ng pasimple). Nagsimula nung kantahin ang mabagbag damdaming “GOD BLESS THE BROKEN ROAD” na ngayon ay favorite song ko na. Alam mo ung feeling na gusto mong umiyak pero paglingon mo e nakangiti ang lahat na parang ako lang ang bigo (warning: bawal mag elaborate). Naexperience mo na ba ung piniplit mong ngumiti pero naglalaban ang isip at dibdib mo sa pag iyak at nagcocontract ang muscles ng mukha mo? Hirap no?

Maliban sa katotohanang nabore ako dahil nga mag isa ko lang ay hindi rin ako nakakain ng mabuti dahil hindi ko alam kung pano sisimple sa bride para magpaalam…

Bago pa man ako makadiskarte ay inumpisahan na naming kantahina ng “I WILL BE HERE.” Is this my night? At gustuhin ko mang magmukhang affected ay hindi pwede (pigil..). Parang konti na lang ay irerequest ko na ang paglabas ni Santino para matitigan ako at magtino ang nabubulok ko ng utak.

Actually, ung bride ang tanging taong nakausap ko nung panahong gusto ko ng kwestyunin ang buong mundo at bumitaw sa tanging tanikala ni solongtinik…nainspire ako sa kwento niya at gusto ko mang mainspire ang magbabasa nito ay hindi pa maaari dahil wala pa akong copyrights kumbaga…

At umaasa ako na sa pagdating nga panahon ay…kantahin ko na rin ang “GOD BLESS THE BROKEN ROAD”. Through her, naniwala ako bigla sa commitment at kasal…

Di ko man natapos ung okasyon pero alam kong marami akong natutunan sa aking nasaksihan.

Pareng Paulo salamat sa mga inspirasyon sa pagsusulat.

No comments:

Post a Comment