21.9.09

anino ng kahapon

Isa ako sa maraming sumusuporta sa sining lalo na ng mga sining na likha ng mga cordillera…

isang tahimik na sumusuporta…

Sa mga panahong ako ay nag iisa pinipili kong pasukin ang mundo ng mga artist ng Baguio. Kung wala ako sa VOCAS makikita mo ako sa TAM-AWAN o sa BAGUIO ARTS GUILD sa Botanical Garden. At kung may panahon ako ay sumisilip sa iba’t ibang event o exhibit na may kinalaman sa sining.

Kaya noong ako ay magthesis pinili ko ang topic na may kinalaman sa sining, kung anuman ito ay akin na lamang dahlia baka hindi pumasa sa panlasa ng mga henyong artists.

Una kong hinanap si Kidlat Tahimik na kilalang kilala sa lungsod ng Baguio. Ngunit sa katotohanan nauna kong nakilala ang anak nitong si Kawayan nang minsang kapanayamin ko siya para sa isang segment ko noon sa NORTHERN CATCH (MAGTV na ngayon) dahil sa pagkakapanalo niya sa isang international na kompetisyon.

Busy noon si kidlat na tinawag ko ng sir pero ayaw patawag ng ganun dahil “colonial” daw ang salitang ito. Mejo busy siya kaya mabilis ko lang siyang nakausap. Binigay niya ang kanyang email address at landline para makapag appointment ako sa kanya ng isang interview para sa aking thesis.

Matapos ang tagpong yun ay nagpunta ako sa BENCAB’s museum kung saan nakabase si Ben Cabrera at maaari ko sanang kapanayamin at si RISHAB na naging kaibigan ko nung nasa kolehiyo pa ako. Sa kasamaang palad ay sarado ang museum nung lunes nay un.

Kaya naman napagdesisyunan kong dumiretso sa TAM-AWAN ngunit ganundin walang artist na naroon kaya dumiretso ako sa BOTANICAL kung saan matatgpuan ang BAGUIO ARTIST GUILD. Ganun pa rin ang itsura ng BAG pagkaraan ng halos apat na taon na nawala ako sa sirkulasyon ng Baguio. Iba na nga lang ang namamahala dito. Nakakalungkot ang kinahitnan ng BAGUIO ARTIST GUILD na binuo ng mga kilala sa larangan ng sining na sina SANTI BOSE, BEN CABRERA at KIDLAT TAHIMIK. Mayaman ang kasaysayan ng BAGUIO ARTIST GUILD na pinilit iahon ng mga tao ng sining ng Baguio ngunit dahil sa mga kadahilanan, nagkanya kanya ang mga kilalang taong ito nagtayo ng sariling grupo.

Nakausap ko si Omar Mateo ang bagong president eng Baguio Artists Guild. Inabutan ko siya at ilang pang kasama na nagpipinta. Kumpara sa ibang pinupuntahan kong lungga ng mga artist, halos walang laman ang BAG museum. Ayon kay Omar napabayaan daw ito ng nakaraang tagapamahala. Hirap din silang humingi ng suporta sa gobyerno at sa katunayan nga ay dalawang buwan na umano silang walang kuryente.

Nalungkot ako sa katotohanang maaaring magupo ang orihinal na grupong binuo ng mga taong nagmalasakit sa kulturang cordillera dahil sa kapabayaan at sa kawalng suporta ng gobyerno.

Umaasa lamang umano sila sa mga donasyong nakukuha mula sa mga bumibisita. Hindi katulad sa mga kilalang artist haven sa lungsod ng Baguio, ang BAG ay walang sapat na pondo para iadvertise o lalong ipakilala ang kanilang grupo.

Nakakapanlumo na ang ugat ng sining ng Baguio ay walang makuhang suporta at tulong mula sa gobyerno ng Baguio.

Wag sana nating hayaang tuluyang mawala ang grupo ng Baguio Artist Guild na itinayo ng mga anak ng sining na nagmamahal at nagtataguyod sa kulturang Cordillera.

No comments:

Post a Comment