Marahil ay hindi lamang ito ang pagkakataong nakikita ko ang sarili kong nakatulala..
Madalas kong yakapin ang kawalan. Ang lugar kung saan nahahanap ko ang panandaliang katahimikan. Katahimikang pinipilit abutin ng aking katauhan…
Sa mga panahong hindi ko maipaliwanag ang kaibahan ng depresyon at kalungkutan ay tanging sa musika ni Toni Braxton ako nkakahanap ng pagkakataong durugin ang isang hindi pakiramdam na hindi maipaliwanag ng anumang salita…
Kaharap ang kompyuter na ako lang madalas ang gumamit..hindi ko pa rin magawang simulan ang isang introduksyion sa aking thesis at research dahil malamang ay labag sa loob ko ang ginagawa ko…Dahil binubuo ko uli ang pangarap ng mama ko…
Una ang pagsusulit sa Civil Service (Professional) na naipasa ko dahil malaki daw ang tsansa kong maging regular sa gobyerno. Pero hindi ito ang gusto ko.
Ang pagkuha ng units sa education para sa LET upang maging guro ako. Tinapos ko.
Ngayon ay ang pagtapos naman ng masters na siya rin ang nagplano.
Na hindi ko pa rin gusto…
Sa tuwing gigising ako sa umaga at bago ako gupuin ng antok ay madalas akong dalawin ng isang pakiramdam na hindi kayang ipaliwang ng aking limitadong bokabolaryo sa ingles at tagalog.
Minsan naiisip ko ano kayang pagkakaiba ng buhay ko ngayon kung iba ang naging magulang ko? Kung hindi ako gaanong sinuwerte sa trabaho?
Bumalik ako mula sa ibang bansa sa paniniwalang dapat kong pakinggan ang aking mga magulang.
MAtanda na ang aking ama. pitumpu’t limang taong gulang na siya. Kaya ang tanging hiling niya ay umuwi ako upang makapiling ko sila. Pinagbigyan ko sila at niligaw ang aking sarili sa paniniwalang narito nga aking magandang kapalaran.
Napasok ako sa isang malaking korporasyon ng media. nakasalamuha ang ilan sa mga sikat na artista at maraming kilalang tao sa lipunan. Umalis ako at lumipat sa isang malaki ring kumpanya.
Ngunit bakit ganito? Pilit ang aking mga ngiti? Bakti nagpupumiglas ang puso ko sa pag abot sa isang pangarap na ang pangngibang bansa lang ang alam kong kasagutan?
Sa bawat araw na pag uusapan ang pagtanda naming magkakapatid ay hindi mapigilan ang mga kahilingan n gaming mga magulang na magkatuluyan ang aking kakambal at an gang isang taong sa paniniwala nila ay lubos na makakatulong sa amin? Sa pag uwi ng aking kapatid, ikatutuwa niya kaya ito?
Hindi niya kaya pagsisihan tulad ko ang kanyang pag uwi…
Naaawa ako sa sarili ko dahil hinahayaan kong masakal ang aking mga sariling pangarap sa mga paniniwala ng aming mga magulang. Nanghihinayang ako sa mga pangarap na sana ngayon ay binubuo ko.
Kung pinakinggan ko ang sarili ko, ilang estudyante na kaya ang napanalo ko sa malalaking paligsahan? Ilang beses ko kaya naitayo ang bandila ng mga Pilipino sa mga mata ng mga foreigner?
Dadanasin ko kaya ngayon ang isang karamdamang dulot ng isang trabahong ginusto ng mga magulang ko sa ngalan ng karangalan?
Makikilala ko kaya ang taong sumira sa buhay ko?
Tama bang ipinaglalaban ko ang karapatan ng marami pero hindi ang sarili ko?
Nagluluksa ang pagkatao ko…ang buong pagkatao ko…
Marami ang nanghihinayang sa karera ko sa media. at marami ang natutuwa sa kumpanyang kinabibilangan ko ngayon. Lalo na ang magulang ko. Pero naisip ba nila ako?
Ganito ba ang role ko? Ang abutin ang mga pangarap nilang hindi nila nagawa?
Paano naman ako? Kaming magkakapatid?
Hahayaan ko bang lumipas ang mga araw at umabot sa oras na wala na akong magawa kundi magsisi?
Tama bang suwayin ang mga magulang…kahit minsan lang?
No comments:
Post a Comment