9.9.09

kiddo

Tuwing umaga madalas akong makipag unahan sa sakayan ng dyipni sa aming lugar dahil bago pa makaabot sa amin ay tatlong barangay muna ang dadaanan.

Madalas kong makasabayan ang mga estudyante na siyang karamihang pasahero ng mga banding alas siyete ng umaga.

Kahapon,Setyembre 9,nakatabi ko ang batang lalaking may edad pito hanggang sampung taon na hiniram ang cellphone ng kanyang ina. Wala naman akong balak silipin kung anong ginagawa ng bata habang hawak ng cellphone pero hindi napigilan ng mata kong makialam.

Isang maliwanag na mensahe ang mabilis na naitype ng bata sa cellphone at ang nilalaman ng mensahe ay “I love very much papa!!!!”

Cute no? how many of us take time to remind our dads how much they mean to us?

No comments:

Post a Comment