16.9.09

nasubukan mo na bang makaramdam ng matinding pagkabagot?
ung tanungin mo ang sarili mo kung tama ba ang mga isinugal mo sa ngalan ng tinatawag na integridad..

kasabay ng pananamlay ng isip ko ay ang pag obliga ko sa bawat sistema ng pagkatao ko na umahon sa isang phase kung saan pakiramdam ko ay palubog na ang buhay ko.

naihanda ko ba ang sarili ko sa mga consequences ng bawat desisyon na ginawa ko? tama pa bang balikan ang mga panghihinayang na dapat sana'y nahawi na kasama ng mga hangin ng nakaraan. mainit. masalimuot ang panahon. hindi kayang makisama ng kamalayan ko sa bawat pangyayari. hindi ko rin kayang akayin ang sarili ko sa bawat panahong ako'y nalulugmok.

mahirap maging tunay na malungkot kung ang sa totoo'y hati ang nais mong maramdaman...magulo no? basta..bilang isang nilalang na nagpipilit mabuo ang isang blog na magpapakita at magpapaliwanag ng tunay niyang ramdamin ay malimit magulo ang bawat ideyang lumalabas...kalas kalas...

magulo...

No comments:

Post a Comment