21.9.09

patintero

Nakatutuwang pagmasdan ang habulang tindero at pulis sa overpass na lumukonekta sa mga kalye ng Abanao,Harrson at Session.

Madalas makikita mo ang mga Pulis at mga Police Intern na nagkukumpulan sa isang gilid ng overpass na habang nagkukwentuhan ay siansabayan naman nga mga mandurukot.

At tuwing hapon ay nag iibang anyo ang mga alagad ng batas na ito. Kapag ngsimula ng maipon ang mga tindero at tindera ay nagiging matikas na sila.Wala pang araw na napadaan ako doon na hinahakot ng mga tindero ang kanilang mga paninda upang takasan ang mga pulis.

Naisip ko tuloy ano kaya ang meron sa mga nagtitinda na kinaiinisan ng mga uniprmadong mga police na ito na tila hindi nila makita sa mga grupo grupong mandurukot na tila mga untouchables.

Sabagay, pag nagtapang tapangan ang mga police maaaring bigyan na lamang sila ng mga tindero ng kanilang paninda pero ang mga mandurukot wala silang mahihita o baka naman baliktad…sa mga mandurukot meron silang “share” pero sa mga tinero wala silang mahihita..

Nagtatanong lang. hindi naman umaasa ng isang matino at kumbinsidong sagot.

No comments:

Post a Comment