14.8.09

BIBINGKA SA DON HENRICOS(ni CLEO)

Ang bida ay isa sa mga kaibigan ko na itago na lamang natin sa pangalang CLEO na sumubok sa larangan ng pag-ibig.

Di naman talaga kami invited ni jelaine (partner ko sa pang uuyaw) sa lakad na ito at lalong wala plano si CLEO na makipag date..lahat ng ito ay katha lamang ng mga mapaglarong isip ni jelai at joy na sa kabutihang palad ay nagbunga ng kahit di ganung di maganda ay nagpasaya ng bahagya kay CLEO.

Simulan natin sa isang maulan na tanghalian.

Si whitney ay isa lamang sa mga nabighani at nabulag sa kagwapuhan ni junjie, kagwapuhan na tanging ang mga singkit ang makakapagjustify (KUNG VAHKET!!). Dahil magmumukhang Event Marshall lang ang CLEO naisip namin ni jelai na bigyan ng date itong si CLEO nang hindi naman masyadong magmukhang sabit. Kaya naman pinilit naming itong si whitney na akayain itong si ANTHONY dahil mukhang may chemistry naman ang dalawa.

Bago pa man matuloy ang date ay sangkatutalk na stop over ang napag daanan dahil sa mga kaartehan ng mga dates nina junjie at CLEO. Sa huli ay natuloy din.

At ano’ng role naming ni jelaine?

Dahil napaniwla nila akong may kotseng bongga itong si CLEO at dahil kasama sa pagpapanggap kong mayaman ang magkaroon ng wheels ay pinilit ko si jelaine na hintayin sila. Wel,, nagtaxi lang kami at hanggang nagyon diko pa rin alam kung totoo ngang may kotse itong si CLEO.

Fast track.

Nag order ng pang isang barangay na pizza ang mga gutom. Ni hindi ko maestima ang diametro. Habang ang Anthony ay nagtatanong ng mga ganito “how many members are in ur family,right?” di ko mawari kung anong “right” ang ibig niyang sabihin kung ung grammar ba ung bilang ng miyembro pamilya ang tinutukoy…ung rebond ni CLEO ay nangulot ulit. At habang busy sa pagsusubuan sina Whitney at JJ ay busy naman kaming nag oobserve ni jelaine. Kapansin pansing sa laki ng hati ng pizza ay naubnos nitong si CLEO ang kanya samantalang kami ay malaki pa ang tira. Heto ang teknik niya.

Bilog ang size ng platito. Inikot ikot niya ang slice as in sa shape ng platito meaning wala ng hawakan at literal na itong bilog at MUKHA NA ITONG PUTOBUMBONG (is my spelling ryt?).

Isang makabuluhang tip upang hindi kaagad msuya sa pizza. Yan ang lesson learned for the day.

No comments:

Post a Comment