23.6.11

ISANG TAPIK


Gawain ko na ang maglakad sa umaga tuwing pumapasok ako sa akademyang pinapasukan ko. Maliban sa tipid sa transpo allowance ay masarap sa pakriamdam ang pagmasdan ang kagandahan ng siyudad na aking kinalakhan.

Kasama ko sa aking paglalakad ang aking kulay rosas na MP3 na regalo ni paoie (kambal ko) saken nung isang taon. Mejo ito ang comfort zone ko lately lalo na ang hip na kanta ni NEYO na “MAD” la naman kinalaman sa kasalukuyan ko pero it makes me think of nothing. And yeah see nothing as well.

It’s what happened exactly.

I was lost with the music. Di ko napansin ung dalawang taong papalapit. It was in the stretch of the roads leading to Pacdal and BIR..ung intersection don. Since busy ang kamalayan ko sa kwalan at near sighted na ako diko na naiwasan ang dalawang lalaking pasalubong saken.

Pamilyar silang mukha sa bawat kalye at daan sa siyudad ng Baguio. Tambayan nila ang mga sikat na fastfood chains o sa mga waiting sheds. Madalas iniiwasan ang mga katulad nila dahil sa bukod sa marungis ay may ibang tulad nilang mapanakit o minsan naman ay nanghaharass.

Nakangiti ung isa. Gustuhin ko mang tumakbo diko na ginawa dahil baka mabangga lang ako dahil nasa busy street ako. So no choice.

Wala na akong panahon magi sip. Sinalubong ko na lang siya ng ngiti. Ngiting aso. Nakahinga ako ng malalim nung tinapik lang nia ako aakalain mong close lang kami at matagal na di nagkita.

Wala akong naramdamang takot. Naisip ko lang na tao din naman sila nagkataon lang magkaiba kami sa uri ng mundong ginagawalan…

No comments:

Post a Comment